33

Mar 29, 2021 @ 14:04
By

Nag-away sa tomaan: Kelot tinodas ni corporal

Patay ang isang 19-anyos na lalaki matapos siyang barilin ng isang police corporal sa Calamba, Laguna.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nasa inuman ang biktima na si Leovil Brian Pelletero at Cpl. Javier Ian Medel nang biglang magtalo ang dalawa.

Doon na umano nagkaroon ng bangayan ang dalawa hanggang sa mabaril ng pulis si Pelletero sa bandang tiyan.

Sinugod pa sa Global Medical Center ang biktima ngunit dineklara din itong dead-on-arrival.

Sumuko naman sa police station ng Cabuyao si Medel matapos mapatay si Pelletero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?