77

By

Nag-away sa sinaing: Mister pinukpok ng bato ang misis

Kinasuhan ng anak ang sarili nitong ama dahil sa pagpatay sa kanyang ina, Huwebes ng umaga sa Iligan City.

Inaresto umano ang 57-anyos na suspek sa Westbound Terminal matapos matagpuan ang asawa nitong nakahandusay na sa kanal sa labas ng terminal, ayon sa report ng ABS-CBN.

Nakita umano ng anak nila ang pagpukpok ng bato ng suspek sa kanyang ina matapos magtalo.

Inamin ng suspek na nagtalo sila ng biktima habang nag-iinuman dahil naiwan niya ang sinaing sa labas ng terminal.

Batay sa mga kasamahang vendors ng mag-asawa, away-bati umano ang mga ito.

Tamad din umano ang suspek dahil ang asawa lang nito ang nagtatrabaho para sa kanilang pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?