18

Oct 10, 2020 @ 12:30

Nag-angas sa 4-point play! Robinson minura si Kuzma

“Hell yeah, that’s a fu*king foul.”

‘Yan ang sinabi ni Miami Heat sophomore Duncan Robinson matapos siyang ma-foul ni Lakers forward Kyle Kuzma habang tumitira ng tres.

Ang magandang bawi pa ni Robinson, pumasok ang kanyang tira dahilan para makuha ang pambihirang 4-point play.

Sa Game 5 ng Lakers kontra Heat, nagwagi ang huli, 111-108, kung saan naging malaking tulong si Robinson tangan ang 26 points, pitong tres ang sinalpak sa laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?