145
kulong
Mar 22, 2018 @ 10:22
By

Nag-amok na lasing na armado ng sumpak, kalaboso

Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaking lasing matapos itong magwala at mag-amok sa kanilang lugar sa Barangay Putatan, Muntinlupa City kamakalawa ng gabi.

Armado pa ng sumpak nang arestuhin ng mga nagrespondeng tauhan ng Muntinlupa City Police ang suspek na si Romeo Reyboneria alyas ‘Piro’, 40, at residente ng Barangay Putatan ng nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat ng Muntinlupa police, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang pagwawala ng suspek sa Park-1 Barangay Bayanan ng nasabing lungsod.

Una nang nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na may nanggugulo at nag-aamok sa kanilang lugar.

Agad namang rumesponde ang mga pulis sa lugar at naabutan ang suspek na nagwawala habang hawak ang isang improvised na baril.

Ilang minuto ring nakipagnegosasyon ang mga pulis na sumuko ang suspek bago naaresto ito.

Narekober dito ang isang sumpak na may tatlong bala nang ito ay maaresto ng mga awtoridad.

Bukod pa rito, nang kapkapan ang suspek ng mga pulis ay mayroon nakuhang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Agad namang dinala sa nasabing himpilan ng pulisya ang suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa alarm and scandal, illegal possession of firearms at Republic Act 9165 0 comprehensive dangerous drug act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?