142

By

Nag-amok na drayber ng plakang ‘8’, makakalaya pa

Sharing is caring!

Nagpiyansa ang nahuling suspek na gumagamit ng plakang otso na nanggitgit at nanapak sa dalawang magkahiwalay na insidente sa Lungsod ng Quezon at Pampanga.

Si Jojo Valerio, miyembro ng isang banda, ay nagbayad ng P4,000 para sa pansamantalang kalayaan matapos maaresto ng mga awtoridad sa Tarlac City.

Nahaharap sa kasong less physical injury at paglabag sa Land Transportation and Traffic Code law si Valerio.

Matatandaan na nakunan ng isang surveillance camera si Valerio na sinasapak ang isang motorist sa McArthur Highway sa Angeles City, Pampanga.

Maging sa Congressional Avenue sa Quezon City ay nakitang nanggitgit ng babaeng drayber si Valerio, at nag-viral din ang nasabing video sa social media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?