528

Apr 25, 2020 @ 11:44
By

Nag-alala kay Kim Jong Un? China nagpadala ng medical expert sa North Korea

Bumiyahe ang team na padala ng China, kasama ang ilang medical expert, patungong North Korea.

Sa report ng Reuters, ang nasabing team ng mga Chinese ay para umano kausapin ang NoKor Supreme Leader na si Kim Jong Un, ngunit hindi naman klaro kung ano ang pag-uusapan.

Noong Huwebes ay pumunta umano ang senior member ng International Liaison Department ng China Communist Party, ngunit tikom din ang kanilang ahensya sa kung anong pakay ng China sa pagpunta sa North Korea.

Nitong nagdaang linggo ay umugong ang espekulasyon na nasa panganib umano ang kalagayan ni Kim dahil sa ulat ng news site na Daily NK kung saan sumailalim umano ito sa operasyon sa cardiovascular noong April 12.

Pinabulaanan naman ng gobyerno ng South Korea ang nasabing balita, at sinabing wala naman nakikitang senyales ng kakaibang aktibidad sa North Korea.

Maging si US President Donald Trump ay hindi rin kumbinsido na may malalang sakit si Kim, ngunit tikom nang matanong kung may nakausap ba iiong opisyal sa North Korea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?