40

Sep 5, 2020 @ 18:17
By

Nag-abandona ng lola sa MacArthur Bridge, pinakasuhan ni Isko

Pinag-utos ni Mayor Isko Moreno ang pagsasampa ng kaso laban sa tatlo kataong nag-iwan sa isang 76-anyos na person with disability (PWD) sa ilalim ng MacArthur Bridge sa Sta. Cruz, Manila.

Katakot-takot na sermon ang natanggap mula sa alkalde nina Ephraim Yap, 51, pamangkin ng inabandonang lola na si Fulgencia Tan; Emerita Decillo, 60; at tricycle driver Rogelio Espino, 53, sa isang press briefing sa opisina ng una.

“Tatanda din kayo! This is not the way we treat our elders. This is all about money. You (Yap) want to get rid of your aunt to free you from your encumbrance, while you (Decillo) just wanted to get something from it and don’t care whatever happens to the old woman,” wika ni Moreno.

Ayon kay Maj. Rosalino Ibay Jr., Manila Police District’s Special Mayor’s Reaction Team head, kinasuhan ang tatlo ng paglabag sa Article 275 ng Revised Penal Code o abandonment of persons in danger.

Nakarating kay Moreno ang insidente matapos isang netizen ang mag-post sa Facebook ng video ni Tan na iniwan na lang basta sa ilalim ng tulay.

Agad sinaklolohan ang lola ng grupo ni City Social Welfare and Development chief Re Fugoso.

Kasunod noon ang pag-aresto sa tatlong suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?