70

Jan 29, 2020 @ 15:20
By

Nadiskubreng bakuna sa ASF, epektibo

Tila nakadiskubre na ang mga scientist sa Amerika ng bakuna para tuluyan nang mapuksa ang African swine fever (ASF) na pumepeste sa mga alagang baboy ng mga hog owner.

Ayon sa pag-aaral na nilimbag ng Journal of Virology, ang mataas at mababang dosage ng bagong ASF vaccine ay nakitaan ng 100-percent na effectivity rate kontra sa virus, 28 araw matapos itong iturok.

“The big deal with this vaccine is not only was it effective against the challenge at both a high dose and a low dose, but also in those challenged animals, there was no shedding of virus. This is so important so we’re not continually spreading virus with vaccinated animals,” paliwanag ni Dave Pyburn, ang chief veterinarian ng National Pork Board.

Ang pag-aaral ay nagsimula noong magkaroon ng ASF outbreak noong 2007 sa Georgia, kung saan nakita rin ang bagong strain ng virus na pinangalanang ASFV-G (G ay para sa Georgia) na kumalat sa Eastern Europe at east Asia.

“This new experimental ASFV vaccine shows promise and offers complete protection against the current strain currently producing outbreaks throughout Eastern Europe and Asia,” ayon kay Principal investigator Douglas P. Gladue, isang senior scientist sa Plum Island Animal Disease Center.

Sa ngayon ay naghahanap na sila ng commercial partner para mas lalo pang mapalawak ang kanilang study sa mas malaking grupo ng mga baboy para mapagtibay ang pagiging epektibo ng bakuna.

“I am excited about this one,” saad ng scientist. “It’s one of the best vaccine candidates we’ve seen as far as I’m concerned.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?