48

Oct 26, 2021 @ 19:02
By

Nadine yuko sa Viva, balik pelikula

Bibida si Nadine Lustre sa bagong project ng Viva Entertainment.

Ito ay matapos siyang utusan ng korte na kilalanin ang kontrata sa Viva Artists Agency.

Makakasama ng aktres sina Diego Loyzaga at Epy Quizon, batay sa Instagram post ni filmmaker Yam Laranas.

Nagsimula si Nadine sa Viva Artists Agency noong 2009.

Noong nakaraang taon dinemanda siya ng kompanya matapos ihayag na tini-terminate na niya ang kanyang kontrata bilang exclusive artist ng Viva at simula January 2020 ay siya na ang magma-manage sa kanyang sarili.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?