114

Feb 24, 2020 @ 21:49
By

Nadine tumulong sa paglilinis sa Manila Bay

Imbes mag-shopping o magbakasyon, inilaan ni Nadine Lustre ang kanyang weekend sa kapaki-pakinabang na gawain.

Noong Feb. 22, naki-join si Nadine sa mga volunteer ng Planet Cora sa cleanup drive ng mga ito sa Manila Bay.

Kilala si Nadine sa pagiging environmental advocate.

Noong nakaraang taon ay sinuportahan niya ang kampanya ng Greenpeace laban sa paggamit ng plastics.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?