112

Feb 15, 2020 @ 16:34
By

Nadine, tatay ni James nag-bonding sa Rockwell

Lalong dumami ang nagsasabi na hindi totoong break na ang JaDine.

Simula noong pumutok ang balita na break na nga sila hanggang sa kumpirmahin nila sa pamamagitan ng joint statement, hindi pa rin mapakali ang mga netizen at patuloy ang pagmamatyag sa relasyon ng dalawa.

Tulad na lang nitong Valentine’s Day, isang fan ang nakakita kay Nadine na nakipag-meet daw sa ama ni James Reid na si Malcolm Reid.

Ayon sa fan na nakakita, nasa Rockwell siya nang bigla niyang nakita na magkausap si Nadine at si Malcolm sa labas ng isang restaurant o coffee shop.

Sinubukan pa nga raw ng netizen na pakinggan o unawain sana ang pag-uusap ng dalawa pero hindi talaga malinaw ang kanyang naririnig.

“Happy Vday!!! Went to Rockwell and on the way out of Power Plant. I saw outside Single Origin – Daddy M and in front of her is Mama Nadine ohlalalla,” caption ng fan sa stolen picture niya kay Daddy Reid at Nadine.

Ipinost nga ito ng naturang fan sa kanyang Twitter at agad lumikom ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen.

Lalong nalito ang karamihan sa mga fan kung totoo nga bang hiwalay sina James at Nadine, dahil matatandang nitong nakaraang buwan lang din ay naispatan naman silang magkasama na puma-party sa Poblacion, Makati.

“Unti unti na talaga akung na-convinced na tong dalawang to ay still together, unang una sa lahat kahit gano pa kayo ka good friend ng ex mo pero after break up nag meet pa kyo ng parents nila. That’s something dba… I’m so happy that they just want PRIVACY I GUESS (heart emoji) Jadine always,” comment ng isang fan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?