106

Nov 30, 2021 @ 16:26
By

Nadine Samonte isinilang na 3rd baby

Inilabas na ni Nadine Samonte ang ikatlong anak nila ng mister na si Richard Chua.

Sa Instagram, ipinakilala ng aktres ang newborn baby girl na si Harmony Saige Chua sa isang litrato habang nasa ospital sila.

“God is truly amazing. Thank you Lord. Everyone meet Harmony Saige Chua our third/bunso,” caption ni Nadine.

Pinasalamatan din niya ang doktor na nag-alaga sa kanila sa Manila Doctors Hospital.

“I would like to thank my Ob Dra. Sua-Lao for everything . I can say she is the best doctor talga napaka talino at maalaga sobra. Without you wala akong Heather, Titus and Harmony. Ginagamit ka talga ni Lord to help me and other mommies out there. I will always be thankful. Grabe ang journey ng third ko pero we survived.”

https://www.instagram.com/p/CW4bZ1EBffv/

Matatandaang dumanas si Nadine ng Polycystic Ovarian Syndrome at Antiphospholipid Antibody Syndrome sa ikatlo niyang pagbubuntis. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?