81

Jul 20, 2020 @ 15:38
By

Nadine pumiyok sa ABS-CBN shutdown

Matapos manggalaiti si Angel Locsin sa mga kapwa niya celebrity dahil sa pananahimik sa kabila ng pagbasura sa franchise bid ng ABS-CBN, nagsalita na ang isa sa kilalang Kapamilya star na si Nadine Lustre.

Sa kanyang Instagram Story sinabi ni Nadine na, “Gaya ninyo, Kapamilya din ako. Gaya ninyo, natatakot ako sa mga nangyayari. Gaya ninyo, nalungkot din ako para sa 11,000+ na taong nawalan ng trabaho. Gaya ninyo, umiiyak ako para sa sariling bansa. Dahil gaya ninyo, Pilipino din ako.”

“Kasama ako sa laban. Patuloy na tumutulong at nagdadasal sa kabila ng pagluluksa,” dagdag niya.

Nakiusap siya sa publiko na ibaling ang atensiyon sa mga bagay na nararapat na pagtuunan ng pansin.

“Pakiusap, huwag tayong magaway away at maghati. Wala na tayong oras,” sey niya.

 

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?