760

By

Nadine pa rin! Ganda ni Momoland Nancy, walang talab kay James

Kahit pa itambal si James Reid sa iba, iisang love team pa rin ang nais niyang madikit sa kanyang pangalan.

At ito ay ang ‘Jadine’ kasama ang kanyang reel at real-life partner na si Nadine Lustre.

Pakiusap ni Reid sa mga fan na ngayong magkakaroon siya ng bagong kapareha sa katauhan ni Nancy Mcdonie ng Korean female group na Momoland.

“I’m honoured to be part of the new project ‘Soulmate’ on ABSCBN but please guys, no love team names, I’ve already got one #jadine,” ayon kay James.

Marami namang mga netizen ang kinilig sa naging pahayag ng Kapamilya actor.

“I salute your loyalty to your #Jadine supporters and to
Nadine. You made them feel secured. That’s how a real man should be. Sana all!!” sey ni @ebb_flow_life.

“Congratulations Papsie!! Its a new experience for you.we got your back!!! #jadine pa din mga ul*l!!!” giit naman ni @bluffky_12.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?