46

Jul 19, 2020 @ 15:44
By

Nadine out! Tambalang Angel-Jennylyn palong-palo

May napupusuan na ang ilang netizen bilang bagong presidente at bise presidente ng bansa.

Wika ng isang Twitter user, “Si Angel Locsin ang presidente tas si Jennylyn Mercado ang Vice President. Dito na ako sa tambalang ito.”

Ang dalawang celebrity, na parehong homegrown artist ng GMA Network, ay ilan sa mga personalidad na bokal na sumusuporta sa kampanya ng ABS-CBN para muling makabalik sa operasyon.

Matatandaang kinalampag din ni Locsin ang mga kapwa niya artista na hindi naglalabas ng saloobin ukol sa pagbasura ng House Committee on Legislative Franchises sa franchise application ng ABS-CBN.

“Kahit magpa-cute kayo dyan sa Instagram, mag-send kayo ng mga sad face, hindi n’yo nadadamayan ang mga katrabaho n’yo na dahilan kung bakit kayo sumikat!” aniya pa.

Marami ang sumang-ayon sa Twitterverse.

May ilan pang namaalam kay “President Nadine” o Nadine Lustre, na anila’y tahimik sa ABS-CBN shutdown.

Meron namang gustong iluklok sa ibang puwesto sina Kim Chiu, Jolina Magdangal at Angelica Panganiban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?