248

Nov 24, 2017 @ 9:37
By

Nadine natawa sa tsismis na buntis

BONGGA naman at magiging director na pala si Nadine Lustre, huh!

Nakatakda palang maging co-director si Nadine sa gagawing music video ng boyfriend na si James Reid.

Si James mismo ang nagsabing hindi lang lalabas sa kanyang music video ang girlfriend, co-director pa si Nadine!

Mukhang nabigla nga si James nang ib­uking ang tungkol doon dahil sinabihan pa siya ni Nadine na hindi pa niya dapat i-announce ang tungkol doon.

Hindi pa yata nakukunan ang nasabing music video nila, kaya napaaga ang pag-a-announce ni James tungkol doon. Na-excite naman ang JaDine fans sa music video na ‘yon!

By the way, tinawanan lang nina James at Nadine ang tsismis na buntis ang huli. (Jun Lalin)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?