715

Apr 7, 2020 @ 19:05
By

Nadine, nagtiyagang pumila para makapag-grocery

Gaya ng mga ordinaryong Pilipino, hindi exempted sa pinatutupad na strict measure kontra coronavirus disease ang mga celebrity.

Naispatan nga ang isa sa maituturing na star celeb na si Nadine Lustre na pumila rin nang matagal para makapag-grocery.

Batay sa isa sa mga litrato na binahagi ng kanyang mga fan, makikita ang aktres na nakapila sa isang supermarket na may suot ng mask at naka-social distancing sa ibang mamimili.

“Sharing this photo to my co-faneys. Nadine Lustre spotted waiting in line to go grocery shopping at Rustan’s Marketplace — Temple Drive around 10am earlier,” sabi sa caption.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?