118

Aug 10, 2020 @ 20:49
By

Nadine, Maine agawan sa ‘Sexiest Women’

Lamang sina Nadine Lustre at Maine Mendoza sa botohan para sa “Philippine Sexiest Women 2020” list.

May pagkakataon pang makaboto ang mga fan para makapasok ang kanilang idolo sa listahan.

Maaaring bumoto sa Facebook, Instagram, Twitter at YouTube.

Sinumang may pinakamalaking boto o nahakot na likes at comments ay mapapasama sa listahan ng mga pinaka-seksing celebrity sa Pilipinas.

Batay sa partial votes as of August 6, nasa Top 3 sina Nadine, Maine at model/streamer Christine Samson.

Pasok sa Top 10 sina singer Sachzna Laparan, Ivana Alawi, TV personality Lou Yanong, Kathryn Bernardo, Barbie Imperial, Bela Padilla at Catriona Gray.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?