52

By

Nadine Lustre dominante sa Myx Music Awards 2019

Bidang-bida si Nadine Lustre sa Myx Music Awards 2019 na ginanap sa Vertis North nitong Miyerkoles ng gabi.

Matapos kilalaning best actress sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards (FAMAS), pinatunayan ni Lustre ang kaniyang pagiging multi-hyphenated artist sa pagkapanalo ng apat na top awards.

Kinilala si Lustre bilang Artist of the Year at Female Artist of the Year habang ang kaniyang music video sa kaniyang single na “St4y Up” ay waging Music Video of the Year.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?