31

Jun 15, 2021 @ 20:50
By

Nadine Lustre aapela sa korte, tuloy ang concert

Tuloy ang virtual concert ni Nadine Lustre sa kabila ng utos ng Quezon City court na kilalanin ng aktres ang kontrata nito sa Viva Artists Agency (VAA) at tigilan ang pagpasok sa mga proyekto nang walang consent sa talent agency.

Ayon sa abogado ni Lustre na si Atty. Lorna Kapunan, hindi pa pinal ang cease and desist order ng korte at mayroon daw 15 araw si Lustre upang iapela ito kaya maghahain sila ng motion for reconsideration.

“Tuloy ang concert. We will file a motion for reconsideration,” lahad ni Kapunan sa ABS-CBN report.

Nagsampa ng petisyon ang Viva laban kay Lustre matapos ianunsyo ng aktres na magiging self-managed star na siya simula January 2020.

Unang pumasok sa kontrata si Lustre at VAA noong 2009 na valid hanggang 2014.

Na-renew ang kontrata ng aktres hanggang June 29, 2029.

Samantala, Mapapanood ang “Absolute Madness” concert ni Lustre sa July 3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?