123

By

Nadine lumayas na sa Viva

Hindi lang kay James Reid nakipaghiwalay si Nadine Lustre, kundi maging sa Viva na dating nagma-manage sa kanya.

Naglabas ng statement ang Kapunan and Castillo Law Offices kaugnay nga ng pagkalas ni Nadine sa Viva:

“For the information of public, Nadine Lustre is no longer a talent of Viva Artists Agency. Consistent with her rights under the Civil Code of the Philippines, specifically Article 1920, she has decided to terminate her agency contract with Viva. As of now, Nadine is self-managed and will continue to be so indefinitely. She shall directly manage her affairs from now on, and bookings and inquiries may be directly addressed to her.”

Nauna na ngang tinapos ni James ang ugnayan nila ng Viva noong Agosto 2019 at nagsarili ng management ng kanyang career. Dahil dito, lumakas ang ugong na maging ang ka-live in niya noon na si Nadine ay susunod sa kanya.

Ngayong pinutol na rin ni Nadine ang relasyon nila ng Viva, mukhang hindi pa rin sila maghihiwalay ni James, career wise, dahil kamakailan ay pumirma ng kontrata ang aktres sa record label ni Reid na Careless Music Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?