98

Jan 15, 2022 @ 16:46
By

Nadine kawawa kay James Reid – Cristy

Panahon na raw para lumigaya si Nadine Lustre dahil mapagmahal ito at marunong mag-alaga ng kanyang karelasyon, ayon sa showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Sa programa niyang Cristy Ferminute, sinabi ito ng kolumnista matapos ipinangalandakan ni Nadine sa Instagram ang litrato kasama ang diumano’y karelasyon na si Christophe Bariou.

Ikinuwento ni Fermin ang mga nalaman niya tungkol sa mga naging karanasan ni Nadine noong sila pa ni James Reid.

Aniya, masyado raw naging kawawa si Nadine sa piling ng aktor at inilagay pa sa alanganin ang aktres sa talent agency nitong Viva.

“Masaya ako para kay Nadine. She deserves to be happy. Masyado siyang ano, masyado siyang kawawa. Dapat reciprocal ang pagmamahalan pero siya, iniiwan-iwanan. Nakikisama sa mga barkada, iiwan si Nadine. Si Nadine naman, gagawin ang lahat ng paraan para lang ma-win back si James. Kawawa, kawawa. It’s about time na lumigaya na si Nadine Lustre dahil mapagmahal din siya at marunong mag-alaga ng kanyang karelasyon,” sambit ni Fermin sa co-host na si Romel Chika.

“Nakakaawa si Nadine ah, kung maririnig mo ‘yung kuwento. Nagmumukha siyang TH. Napaka-trying hard. Itong ganitong klaseng babae gagawin mong trying hard? May napatunayan na rin naman si Nadine, ‘di ba? Nakikipagsabayan din naman siya. Tapos gagawing kawawa nung lalaki. Ano ‘to? Ano feeling ni James Reid, siya ang pinakaguwapong lalaki sa balat ng lupa?” dagdag niya.

“Pagkatapos ng mahabang panahon na naghiwalay sila, inilagay pa nga niya sa alanganin si Nadine kaya nagkadema-demanda sa Viva. O, pagkatapos nun, gugustuhin mo pa rin ba ‘yung lalaki na para kang nagmamakaawa, nanlilimos ng pagmamamahal? Natural hindi na,” patuloy pa niya. (IS)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?