153

Nov 3, 2017 @ 16:40

Nadine-James napabayaan na ang movie career

Nagpapasalamat si James Reid sa kanyang mga tagahanga dahil sa patuloy na pagsuporta sa kanya ng mga ito bilang isa sa nominees ng MTV Image Awards sa London.

Todo-suporta ang mga ito sa kanya, at personal raw niyang nakikita ang mga posts ng mga ito. Hiling pa rin niya ang patuloy na pagboto ng mga ito para manalo siya at maging bahagi ng awards night na sa London magaganap.

Samantala, itinanggi niya na ayaw na niyang umarte at gusto na lang niyang kumanta dahil ito ang kanyang first love.

Giit nga ni James, “I don’t wanna give up acting, but I want to focus on my music.

“I would be coming out with my singles, and so is Nadine (Lustre) under my label.”

Marami nga sa JaDine fans ang nagre-react kung bakit ang tagal na nilang walang movie o teleserye together, at nanawagan ang mga ito sa management company nila na huwag pabayaan ang kanilang career.

Natatakot sila na maging multo na lang ang career ng kanilang mga idolo na kung saan todo-effort sila na ilagay ito sa kung saan man ang dalawa ngayon.

Anyway, ‘Soon!’ ang parehong sagot nina James at Nadz sa mga nauuhaw sa kanilang pagsasama ulit together in one project.

‘Yung talagang sa kanila lang nakasentro ang istorya. ‘Yun na!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?