65

Sep 24, 2020 @ 15:13
By

Nadine, James nagkabalikan

Nagtatalon sa tuwa ang mga fan ng tambalang JaDine.

Magkakasama kasing muli sina Nadine Lustre at James Reid sa bagong proyekto.

Kabilang sila sa mga magtatanghal sa online show na “GigaFest Virtual Concert” ng Smart Communication Inc. matapos ang ilang buwang breakup nila.

Bukod kina Nadine at James, magpe-perform din sa virtual concert sina KZ Tandingan at Curtismith.

Magaganap ito sa Sabado, Setyembre 26.

Halos apat na taong magdyowa sina James at Nadine hanggang ianunsiyo nilang hiwalay na sila nitong Enero 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?