171

Jul 23, 2022 @ 22:24
By

Nadine hot kahit nakatalikod

Nakatalikod man ay panalo pa rin ang kaseksihan ni Nadine Lustre.

Ngayong Sabado, ibinahagi ng aktres ang kanyang larawan habang nasa Siargao. Kuha umano ng photographer na si Wang Borja ang naturang larawan.

Makikita dito na nakaupo si Nadine sa isang surfboard habang nakatalikod sa camera.

Gayunman, pinaligaya pa rin ng aktres ang mga yakman sa suot niyang t-back kung saan lumitaw ang kanyang matambok na wetpaks.

Marami pa umanong nagliliyab na pose si Nadine mula sa mga kuha ni Borja ngunit isa pa lang ang kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?