46

Jan 12, 2022 @ 11:47
By

Nadine excited magpa-botox

Hindi maitago ni Nadine Lustre ang kaniyang excitment matapos nitong magpabotox.

Inanim ni Nadine sa vlog ng beauty doctor na si Aivee Teo na grabe kung magpawis ang kaniyang kilikili, kaya hindi umano siya makapagsuot ng mga colored na damit.

“My issue is that I can’t wear grays, I can’t wear anything colored. Because when I sweat, it’s really here sa back. I sweat a lot,” pag-amin ng aktres.

Nagulat naman ang doktora sa kaniyang pagpapakatotoo: “Wow! This is the first time we’re actually talking about that.”

Dahil dito sasailalim si Nadine sa isang “underarm botox” upang maiwasan na ang sobrang pagapawis ng kaniyang kilikili.

“Finally I’m doing, and I’m really excited to wear colored clothes,” saad ni Nadine.

Pinayuhan din ni Aivee ang aktres na bumalik matapos ang anim na buwan para sa pangalawang sesyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?