123

By

Nadine ‘di makakawala sa Viva, may ekslusibo pang kontrata

Naglabas ng statement ang Viva Artists Agency (VAA) hinggil sa kontrata sa kanila ni Nadine Lustre.

Sabi ng Viva, nananatiling exclusive talent nila si Nadine, taliwas sa inilabas na statement ng kampo ng aktres na sinabing tinapos na ni Nadine ang kontrata nito.

“Contrary to the press statement, Nadine remains an exclusive artist of VIVA as she has a valid and subsisting management contract. Under the law, Nadine cannot unilaterally withdraw from her contract with VIVA,” nakasaad sa statement ng Viva.

Dagdag pa ng agency, anumang deal o professional engagement na pasukin ni Nadine nang walang abiso o approval ng Viva ay magiging breach of contract.

“Any dealings or professional engagements entered into by Nadine, without consent or approval of VIVA, constitutes breach of contract,” giit ng VAA.

Sa huli sinabi ng VAA na mag-i-initiate sila ng appropriate legal action laban kay Nadine at sa sinumang direktang makikipag-deal sa aktres na paglabag sa VIVA’s management contract.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?