198

Jul 1, 2020 @ 21:52
By

Nadine bumuwelta kay Sucaldito sa paggamit sa isyu nila sa Kamara

Binanatan muli ni Nadine Lustre ang suspendidong DZMM commentator at kolumnistang si Jobert Sucaldito.

“Completely unashamed” daw si Sucaldito sa mga nasabi nito noong January na naging dahilan ng pagkakasuspinde niya sa istasyon ng radyo.

Sa kanyang Instagram Story, inakusahan ni Lustre si Sucaldito ng “not seeing the bigger picture” nang magsalita ito sa Kamara noong Lunes bilang resource person sa pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN.

Sinabi ni Sucaldito sa pagdinig na ang pagsuspinde sa kontrata niya ng ABS-CBN dahil sa comment niya tungkol kay Nadine ay katumbas ng “illegal dismissal”.

Magugunitang nag-trending kamakailan si Sucaldito nang mag-comment ito tungkol kay Nadine sa January 7 episode ng kanyang Showbuzz.

“‘Di ba iyon naman ang gusto nila? Kuno-kuno na may mga labas ng puwet, naka T-back pa doon sa building, tapos may mga nakalagay na caption na parang gustong tumalon sa building. Sana tumalon na lang kung ganun din naman pala,” ani Sucaldito patungkol kay Nadine.

Hindi raw makapaniwala si Nadine na ginagamit ng kolumnista ang naturang isyu para kalabanin ang ABS-CBN.

“You’re not seeing the bigger picture, Mr. Sucaldito. It’s messed up how you are completely unashamed of what you said. It’s never okay to push someone to commit suicide,” saad ni Nadine.

“I can’t believe you’re using this issue to fight our home network whose only objective is to protect us. Kahit pagbali-baliktarin mo, mali ‘yung sinabi mo,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?