136

Nov 1, 2019 @ 18:22
By

Nadine anghel para kay James Reid

Angel ang deskripsiyon ni James Reid sa live-in partner niyang si Nadine Lustre, na nagdiwang ng kanyang kaarawan kamakalawa.

“She’s an angle and I’m her knight in shining armour. HAPPY BIRTHDAY LOVE! @nadine,” caption ni James sa litrato nila ng GF sa kanyang Instagram.

Tugon naman ni Nadine, “ily” na ang ibig sabihin ay I Love You.

Of course, pasabog ang birthday pictorial ni Nadine na walang takot na nag-topless. Eh aprubado naman kay James ang paglalandi sa pictorial ng dyowa dahil wala kaming nabasang kahit anong bayolenteng reaksyon niya, huh!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?