247

Jan 22, 2020 @ 11:26
By

Nadawit sa JaDine break-up, Iza Calzado pumatol

Si Iza Calzado ang “tunay na mapangahas” at ang pinakabagong endorser ng Datu Puti, dahil “may asim” pa aniya siya.

Tinawanan kasi niya ang pangli-link ng ilang netizen sa hiwalayang James Reid at Nadine Lustre.

Matatandaang pinutakte ng madla si Issa Pressman kahapon, Enero 21, matapos lumabas ang video ng umano’y halikan nila ni James sa Digistar PH party sa Aqua Boracay sa Aklan noong Disyembre 2019.

Sabi ni Calzado sa serye ng Instagram stories kahapon, “wrong account” ang tinatarget ng mga tao, at may asawa na siya.

Taong 2018 pa kinasal ang aktres kay Ben Wintle.

On a serious note, nalungkot aniya siya nang malamang for real na ang split ng 4-year long “JaDine” loveteam.


Nilabas nitong Lunes ng gabi, Enero 20, sa “Tonight with Boy Abunda” ang joint statement nina Nadine at James kung saan sinabi nilang kaya sila naghiwalay ay upang pagtuunan ng pansin ang kanilang mga career at personal growth gayong bata pa sila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?