19

Nov 22, 2021 @ 15:27
By

Nadala ng emosyon: Bato nag-sorry sa mga tinawag na bwisit

Humingi ng tawad at umaming nadala lang ng emosyon si Senator Ronald “Bato” dela Rosa matapos nitong tawaging “bwisit” ang mga nais buwagin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

“I am really very sorry. Very inappropriate ‘yung nasabi kong bwisit sila. Nasobrahan ‘yung aking emotion, nadala ako, kaya mag-apologize na lang ako sa kanila. Maling mali ‘yung nasabi ko kahapon. Nadala ako sa aking emotion,” ani Bato sa panayam sa TeleRadyo nitong Lunes.

Nitong Nobyembre 21, hindi napigilan ng Senador ang magalit sa ibang kasamahan na nais ipabuwag ang NTF-ELCAC at bawasan ang pondo nito. Dito niya tinawag na “bwisit” ang mga ito.

“Sabihin ko sa kanila—ito pangit pakinggan eh—pero bwisit sila,” saad ni Dela Rosa sa isang panayam sa DZBB.

“I-abolish kung kailan naging successful ‘yung ahensya sa paglaban sa terorismo, paglaban sa insurhensya, i-abolish nila? Ano, puro pamumulitika na lang talaga ang iniisip nila? Na porke nasa oposisyon sila, gusto nila hindi maging successful itong administrasyong Duterte sa paglaban ng problema ng ating bansa, ganun na lang talaga ang utak nila? Bwisit.”

At sa kaparehas na araw, tinawag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang atensyon ni Bato at sinabing nakalulungkot ang pagtawag sa kanila na bwisit.

“Nakakalungkot yung ginagamit ng ating kasamahan sa senado na ‘bwisit’. Ito po ay debate para sa kapakanan ng taumbayan at tinitingnan natin kung paano ginastos ang pera ng taumbayan,” sabi ni Drilon.

Pinayuhan pa nito si Bato na tigilan na ang name-calling at manatili sa isyu.

“Stop the name-calling. It will not get us anywhere. It is an insult to the senators and the institution we belong to. Let’s stick to the issue,” payo ni Drilon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?