312

Jun 24, 2022 @ 9:53
By

Nadala kay Scottie? Pau Fajardo ayaw na sa basketball player

Bagamat pinagpapasa-Diyos na ni Pau Fajardo ang mga mangyayari sa kanyang buhay pag-ibig, isang bagay ang kaya niyang siguraduhin sa ngayon: hindi na siya magjo-jowa ng basketball player.

Si Fajardo ay naka-panayam ng PEP sa contract signing niya bilang endorser ng beauty product na Luxxe Slim.

Dito ay kinamusta ang kanyang love life.

“Basketball player? Di na talaga,” saad ni Pau, na nakilala bilang longtime girlfriend ni PBA MVP Scottie Thompson.

Bisperas ng bagong taon noong 2021 nang magpropose si Scottie kay Pau. Ilang buwan ang lumipas, ikinasal na si Scottie – ngunit sa babaeng si Jinky Serrano. Pinutakte ng mga basher si Scottie sa kalagitnaan ng isyu ngunit nang lumaon ay humupa rin ang mga batikos.

Dahil hindi na basketball player ang hanap, inurot si Pau kung ano ang hinahanap niya sa isang lalaki.

“Ako, basta loyal okay na ako. Yun na muna,” aniya.

“Kung darating, darating. Yun na lang po. Di ko masasabi, ayokong magsalita nang tapos,” dagdag pa ni Pau. “Bahala na si Lord.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?