rafa-nadal
By

Nadal umurong sa Queen’s Club grass-court tournament

Sharing is caring!

Nagpasya ang Grand Slam champion na si Rafael Nadal na mag-withdraw s Queen’s Club grasscourt tournament na gaganapin sa susunod na linggo dahil kailangan niyang magpahinga matapos ang Roland Garros.

Humingi ng paumanhin si Nadal sa pamunuan ng torneo lalong-lalo na mga tagahanga na umaasa na makita siyang maglaro sa darating na torneo.

“Queen’s is a great event, I have happy memories of winning the title in 2008 and I wanted to come back this year. But it has been a very long claycourt season for me with great results,” ani Nadal.

Dagdag nito, nakausap niya daw ang kanyang doktor at sa tingin niya kailangan niya ng pakinggan ang sinasabi ng kanyang katawan.

Ang Queen’s Club Championship ang isa mga warm-up tournaments para sa darating na Wimbledon na magsisimula ngayong ika-dalawa ng Hulyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?