nadal

Nadal, umabante sa third round ng Italian Open

Sharing is caring!

Pinadapa ni Rafael Nadal si Bosnian Damir Dzumhur, 6-1 6-0, para sumulong sa third round ng Italian Open.

Balik sa porma si Nadal matapos manakaw ang pagiging No. 1 niya ni Dominic Thiem sa Madrid Open quarter-finals.

“It was important, after a loss in Madrid, to come back strong,” sabi ng 31-anyos na si Nadal.

Bunga ng panalo, makukuhang muli ng Spaniard ang pagiging world number one ranking mula kay Roger Federer sakaling manalo ng record-extending eighth title sa Rome ngayong linggo.

Samantala, nag-empake naman agad si sixth-seed Dominic Thiem matapos hindi makuha ang tiyempo niya, 6-4 1-6 6-3, at talunin ni Fabio Fognini.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?