16

By

Nadal pinahirapan, lumaban ng halos limang oras

Sharing is caring!

Kakaibang pagsubok ang nilampasan ni 1st seed Rafael Nadal sa kanyang pakikipagtuos sa kay Dominic Thiem sa US Open quarterfinals sa New York.

Gumawa rin ng kasaysayan ang 32-anyos na tennis player matapos bumangon sa walang panalong first set para patumbahin si Thiem sa limang set, 0-6, 6-4, 7-5, 6-7 (4-7), 7-6 (7-5), at umabante sa semis ng torneo.

Sa pagtatapos ng mahabang paluan na umabot ng apat na oras at 49 minuto, niyakap ni Nadal si Thiem bilang pagrespeto sa pausbong na manlalaro.

Haharapin naman ni Nadal si third-seeded Juan Martin del Potro sa semifinals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?