20
Nadal nanaig kontra Djokovic, hari sa Rome Masters
By

Nadal nanaig kontra Djokovic, hari sa Rome Masters

Wagi si World No.2 Rafael Nadal sa Internazionali BNL d’Italia ATP Masters 1000 kontra kay World No. 1 Novak Djokovic nitong Lunes ng madaling araw (Manila time) sa score na 6-0, 4-6, 6-1 sa loob ng dalawang oras at 25 minutong paluan sa Foro Italico, Rome, Italy.

Ito ang ika-siyam na titulo ni Nadal sa torneo at kanyang ika 34th ATP Masters 1000 title.

“What means most to me is this trophy,” pahayag nang Spaniard superstar.

“Rome is one of the most important tournaments of the year. [It’s a big] part of the history of our sport. To be able to win here again is the main thing.”

Para pa kay sa 17-time Grand Slam champion, hindi mahalaga kung gaano kalaki ang lamang nito sa score kontra kay Djokovic.

“I played a great first set in all aspects. No mistakes. Playing so aggressive, changing directions. These kind of days happens. It’s not usual and probably will not happen again… the first set is just an important part of the match. What helps the first set is [that it] shows that I was able to play at that level,” giit ni Nadal.

Huling nagtapo ang dalawang top tennis players noong 2019 Australian Open noong Enero kung saan si Djokovic ang nakakuha ng kampeonato.

“[I’m] happy for the title more than winning against Novak, I am especially happy because the level was very high,” saad pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?