15
nadal1

Nadal kampeon vs. tinedyer sa Barcelona Open

Minani lang ni World No. 1 Rafael Nadal ang Greek teenager na si Stefanos Tsitsipas para itaas ang tropeo ng Barcelona Open, 6-2 6-1, nitong Linggo (Lunes sa Pinas).

Ayon sa 19-anyos na si Tsitsipas, ang paglaban niya kay Nadal ay parang libreng pag-eensayo sa tennis.

Binasag ni Nadal si Tsitsipas sa pamamagitan ng love sa ikatlong laro at pinanis ulit ito sa ikalima.

Nagpakita ng kawalan ng awa si Nadal kontra kay Tsitsipas sa second set.

Habang lumitaw din ang kakulangan sa eksperiyensiya ni Tsitsipas matapos magmintis sa simpleng tira sa net.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?