96

Jan 24, 2018 @ 21:12
By

Nadal exit na sa Australian Open

Pagkatapos ni Novak Djokovic, sumunod si Rafael Nadal na nag-exit sa Australian Open nitong Martes ng gabi.

Sa isang yugto matapos komunsulta sa trainer, humingi ng time si Nadal para pigilin ang serve ni Marin Cilic. Nilakad-lakad muna ng Spaniard ang nananakit na tuhod sa umpisa ng fifth set.

Paika-ika at nangingiwi sa sakit sa sumunod na dalawa pang games at nang hindi na maibalik ang pang-anim na break point, talsik na sa Melbourne ang 16-time major champion.

Hindi kinaya ni Nadal ang bumalik na sakit sa dati nang injured right leg.

Abante sa una niyang semifinal sa Australia mula 2010 si sixth-seeded Cilic pagkatapos dispatsahin si Nadal 3-6, 6-3, 6-7 (5), 6-2, 2-0. Sunod na haharapin ni Cilic si 49th-ranked Kyle Edmund na 6-4, 3-6, 6-3, 6-4 winner kay third-ranked Grigor Dimitrov.

“Tough moments – not the first time here,” bulalas ni Nadal. “It’s really tough to accept.”

Pinigil ng injuries ang star players bago pa magsimula ang unang Grand Slam ng taon.

Si five-time Aussie Open finalist Andy Murray ay nag-withdraw para maoperahan ang balakang. Si six-time champion Djokovic ay binagabag ng right elbow injury, out na din, kasama si 2014 champion Stan Wawrinka (left knee).

Si second-ranked defending champion Roger Federer na lang ang star player na naiwan, may date pa sa quarters kay Tomas Berdych. (Vladi Eduarte)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?