16

By

Nadal ‘di kayang pantayan – Moya

Sharing is caring!

Para kay Carlos Moya, coach ni tennis superstar Rafael Nadal, wala na raw makakaulit sa lahat ng ginawa ng kanyang alaga.

Sa panayam ng La Gazetta dello Sport kay Moya, sinabi nito na si Nadal ay kakakaiba at wala pa aniya siyang nakikilalang netter mula noon hanggang ngayon na mayroong ugali na katulad ng sa kanya.

“I think he is unique. I didn’t know players of the past and current generation who have his same characters. Today the new generation players are very talented, others have a big serve, others hit well from the baseline,” ani Moya.

Pero kung sa mga bagong sibol na manlalaro, si Dominic Thiem aniya ang maituturing na pinakapareho ni Nadal pero hindi nito matatapatan ang mga nagawa ni Rafa.

“I think (Dominic) Thiem is the one who can get the closest to him, but what Rafa did will be unrepeatable,” dagdag nito. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?