8
abante-tnt-vismin-rafael-nadal1
By

Nadal binawian si Shapovalov

Sharing is caring!

NAKAPAGHIGANTI si Spanish tennis superstar Rafael Nadal kay Canadian teenager Denis Shapovalov 6-4, 6-1, sa third round ng Italian Open para makalusot sa quarterfinals ng torneo.

Noong nakaraang taon ay pinaluhod ng batang Canadian si Nadal sa third round ng Rogers Cups sa Montreal, Canada at nawalan ito ng tsansang makatuntong sa number one spot.

Hindi pa ulit nanalo si Nadal sa Italian Open mula 2013, kung siya ang magkakampeon ay makakabalik siya sa top spot at papalitan ang ngayo’y world number one na si Roger Federer.

Sa laban ng dalawang kaliwete, halos walong beses naisalba ni Shapovalov ang laro bago tuluyang mawalan ng kontrol ang kanyang serve sa unang set.

“He was really serving big and I have some mistakes with the return. It was not a comfortable match against a lefty who serves big and goes for his shots. He was good in all aspects,” ani Nadal.

Makakaharap ni Nadal sa next round ang Italyanong si Fabio Fognini na nilampaso si Peter Gojowczyk, 6-4, 6-4.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?