36

By

Nadal balik No. 1

Sharing is caring!

Naagaw ulit ni ‘King of Clay’ Rafael Nadal ang unang puwesto sa world rankings mula kay Roger Federer nang mabigo ang huli sa korona ng Halle Open 2018 tournament.

Bumagsak sa ikalawang pwesto si Nadal kahit nakuha nito ang ika-11 titulo niya sa French Open dahil sa matagumpay na pagsungkit naman ni Federer sa Stuttgart Open Cup.

Ngayon, bigo si Federer na panatilihin ang kanyang number one spot dahil sa pagkatalo nito sa finals ng Halle Open kontra Borna Cori, 6-7 (6-8), 6-3, 2-6 nitong Linggo, oras sa Pilipinas.

Dahil dito ay balik siya sa ikalawang pwesto habang si Nadal ay agad na umangat sa unang posisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?