3

Aug 5, 2020 @ 20:50
By

Nadal aabsent sa US Open

Hindi muna sasalang upang depensahan ang kanyang US Open title ngayong taon si tennis star Rafael Nadal dahil sa coronavirus pandemic.

Inanunsiyo nitong Miyerkoles (Manila time), ng 19-time Grand Slam champion ng desisyon para sa torneo na hahampas sa Agosto 31-Setyembre 13

“After many thoughts I have decided not to play this year’s US Open. The situation is very complicated worldwide, the COVID-19 cases are increasing, it looks like we still don’t have control of it.” tweet ng 34-year-old world no. 2 Spanish netter.

Pinanapos na pahayag ni Nadal, “This is a decision I never wanted to take but I have decided to follow my heart this time and for the time being I rather not travel.”

Inaasahang hahambalos sa kumpetisyon sina world No. 1 Novak Djokovic ng Serbia, Dominic Thiem ng Austria, Greek Stefanos Tsitsipas, German Alexander Zverev at Russian Daniil Medvedev.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?