210

Jul 27, 2018 @ 17:56
By

Nadakip na tambay, lumobo sa 72K – NCRPO

Halos 72,000 na ang nahuhuli sa Metro Manila dahil sa paglabag sa iba’t ibang lokal na ordinansa.

Ayon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar, ang datos ay simula noong Hunyo 13 kung kailan ipinag-utos ni Pangulong Rodrido Duterte ang pag-aresto sa mga istambay.

Sa mga nahuli, banggit pa ni Eleazar, 22 na lang ang nanatili sa mga kulungan.

Base sa datos mula kay Eleazar, 26,083 (36.26%) ay hinuli dahil sa paglabag sa smoking ban, kasunod nito ang 7,565 (10.52%) na hinuli dahil sa hindi pagsusuot ng pang-itaas na damit.

May 17,659 naman ang inaresto dahil sa paglabag sa iba pang ordinansa tulad ng pagbabawal sa pag-ihi sa mga pampublikong lugar, paggamit ng karaoke nang wala sa oras at paglabag sa mga batas trapiko.

Halos kalahati ng kabuuang bilang ng mga nahuli ay naitala ng Eastern Police District, kasunod ng Southern Police District (16.94%), Manila Police District (16.04%), QCPD (11.06%) at Northern Police District (9.26%).

Banggit ng opisyal napakahalaga ng kanilang ginagawa sa crime prevention.

“This is very important because we want to make the public feel safe, especially at night. We cannot deny the fact that there are cases where individuals are being victimized by tambays those who want to create trouble just because they want to,” aniya. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?