22

Jan 12, 2022 @ 16:39
By

Nadagdag na bagong kaso ng Covid higit 30K — DOH

Nakapagtala ng 32,346 na pinakabagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ngayong Miyerkoles, Enero 12.

Ayon sa datos ng Department of Health, nasa 208,164 na ang dami ng aktibong kaso sa bansa.

Umabot naman sa kabuuang 3,058,634 ang bilang ng mga tinamaan ng Coronavirus simula nang magka-pandemya.

Sa ngayon, nakapagtala ng 5,063 na nakarekober habang 144 ang nasawing indibidwal.

Samantala, nagunguna pa rin ang National Capital Region sa may pinakamaraming nakumpirmang impeksyon ng virus na umabot sa 56 porsyento; sumunod naman ang Calabarzon na may 22 porsyento; at Central Luzon na may 10 porsyento.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?