227

Dec 20, 2017 @ 17:42
By

Nadaganang patrol officer sa SLEX, patay na

Binawian na din ng buhay ang patrol officer ng MATES, ang toll operator ng South Luzon Expressway (SLEx) matapos itong madaganan ng tumaob na trailer truck noong Lunes ng hapo sa Binan City, Laguna.

Nabatid na sa Perpetual Help University Hospital nalagutan ng hininga si Brendo Abrera.

Samantala, ang kasama ni Abrera at driver ng kanilang patrol vehicle na si Romel Cabawilla ay kritikal pa rin ang kalagayan sa nabanggit din na ospital.

Magugunita na pasado ala-1 ng hapon ng Martes nang tumaob ang Movewise truck at kumalas pa ang trailer nito.

Bunga ng aksidente, nasaraduhan ang apat na linya ng SLEX sa may Southwoods Exit at lumikha ito ng matinding trapiko na umabot pa ng hanggang Sucat Interchange. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?