49

Sep 22, 2020 @ 9:18
By

Nabuntis daw si Julia, Gerald may sey

May kataka-takang pahayag si Gerald Anderson matapos lumabas ang sabi-sabi na nabuntis niya si Julia Barretto.

“Congratulations to me,” ang mababasa sa Instagram story ng aktor kagabi na may itim na larawan.

Nilakip din niya ang emojis na fist bump, nakangiti, at nagdadasal.

Nag-ugat ang mga espekulasyon tungkol sa pagbubuntis ni Julia dahil sa Facebook post ng dating broadcaster na si Jay Sonza.

Sey ni Sonza, “Congratulations sa aking kapitbahay sa Congressional Village, Bahay Toro, Quezon City. Napatunayan nina Visoy (visayan tisoy) Gerald Anderson at anak nina Dennis Padilla at Marjorie na si Julia Barreto na kapuwa hindi sila baog.”

“After months of love lockdown and ESQ (exact sex quadrant) – may nabuo sa sinapupunan ni Julia,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?