460

Jan 22, 2021 @ 15:14
By

Nabuntis daw ni Robin, Mocha Uson nagsalita na!

Pumiyok na rin si singer-turned-government official Mocha Uson sa kumalat na tsismis sa social media na buntis siya at ang action star na si Robin Padilla ang ama.

Sa kanyang post sa Mocha Uson Blog FB page nitong Biyernes, sinabi niyang walang katotohanan ang isyu at tsismis lamang.

Batid naman daw ng lahat na pareho sila ni Padilla na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya sinisiraan sila.

“BUNTIS DAW AKO KAY ROBIN? Wala pong katotohanan yang tsismis na yan. Napakabait po nung tao. Nakakahiya naman kay idol Robin at Mariel,” sambit ni Uson.

“Sigurado ako ang nagpapakalat niyan ay yung mga bitter sa ating gobyerno. Alam ng lahat na ako at si sir Robin ay masugid na supporter ni Pangulong Duterte kaya nalang sinisiraan kami. Kulelat kasi sa survey ang pambato nilang si Robredo kaya kung anu-ano paninira ang iniimbento nila. Lunch break! Workout na muna tayo!” dagdag niya.

https://www.facebook.com/Mochablogger/posts/10159411139881522

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?