158

Sep 21, 2020 @ 20:41
By

Nabuntis daw ni Gerald, Julia nagsalita na

Agad nag-react si Julia Barretto sa kumalat na balitang nabuntis siya ni Gerald Anderson.

Sa kanyang Instagram, nag-post si Julia ng kanyang abs at nilagyan niya ng caption na, “FAKE NEWS :).”

Nag-ugat ang mga espekulasyon tungkol sa pagbubuntis ni Julia dahil sa Facebook post ng beteranong newscaster na si Jay Sonza.

Ani Sonza sa FB post, “Congratulations sa aking kapitbahay sa Congressional Village, Bahay Toro, Quezon City. Napatunayan nina Visoy (visayan tisoy) Gerald Anderson at anak nina Dennis Padilla at Marjorie na si Julia Barreto na kapuwa hindi sila baog. After months of love lockdown and ESQ (exact sex quadrant) – may nabuo sa sinapupunan ni Julia.”

View this post on Instagram

FAKE NEWS 🙂

A post shared by Julia (@juliabarretto) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?