103

Nabulunan sa biskwit, 5-anyos na bata patay

“Bantayan ang kinakain ng mga anak” ang babala sa mga magulang ng Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO) matapos mabilaukan sa kinakaing wafer biscuit ang isang limang taong gulang na bata sa Barangay Gil Montilla, Sipalay City, Negros Occidental.

Kasama umanong nanonood ng bata ang kanyang kapatid nang bigla itong nagtatatalon na parang hirap huminga, Lunes ng gabi.

Saad ni DRRMO head Dionilo Bogtae, alas-6:00 nang dumating sila sa bahay ng biktima at nagsagawa pa ng first aid.

Isinugod din nila ito sa infirmary ngunit dineklarang “dead on arrival.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?