72

Jan 9, 2020 @ 18:47
By

Nabong tinapon ng San Miguel, balik sa Batang Pier

Nanorpresa ng trade ang San Miguel Beermen matapos bitawan ang resident bruiser na si Kelly Nabong.

Inanunsyo ng PBA ang paglipat ni Nabong patungong NorthPort Batang Pier, magiging kapalit nito ang kapwa big man na si Russel Escoto.

Matatandaan na nagsimula ang trade rumor nang masala sa riot si Nabong noong ensayo sa Beermen ng ex-SMB import na si Dez Wells, Arwind Santos at Ronald Tubid noong nakaraang taon.

Nag-average si Nabong ng 4.1 points at 4.0 rebounds bago ito masuspende ng SMB dahil sa nangyaring sapakan.

Ito na ang ikatlong stint ni Nabong sa NorthPort franchise, naging maganda ang karera dito bago ilipat sa SMB kapalit si Gabby Espinas at ilang future pick.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?